'Di ko inakalang sati'y darating na ika'y maglilihim
At di ko rin naisip na magbabago sakin ang 'yong pagtingin
Buong akala ko'y walang hanggan sa atin ang pagmamahalan
Bakit ika'y nasilaw sa iba kaya ngayo'y lumisan ka
*'Di ka daling isipin tanggapin ang nangyari
Bakit ganon sa akin ay 'di mo sinabi
Na may mahal ka ng iba, sa akin ay higit ba sya
Kaya nagawa mo na ako'y isantabi
Sa gunita na lang kita makakatabi
Parang bula lang ang pangako mo at bigla na naglaho
Kasinungalingan lamang ang lahat ng iyong puso
Buong akala ko'y walang hanggan' sa atin ang pagmamahalan
Bakit ika'y nasilaw sa iba, kaya ngayo'y lumisan ka
repeat *
Sa akin ay higit ba sya, kaya ngayo'y wala ka na
Pagibig nya ba sa iyo ay tunay na ibang-iba
Paano ka malilimutan, sana ako ay naturuan
repeat *
Here's the You Tube link Official Lyric Video for this song:
#gunita #moniqrosales
No comments:
Post a Comment